Mga laro ngayon:
DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga
3 p.m.- Meralco vs NLEX
6 p.m. – TNT vs Ginebra
TANGAN ang twice-to-beat advantage, sisikapin ng TNT Tropang Giga at Meralco Bolts na makausad sa semifinals sa magkahiwalay na laro sa PBA Philippine Cup quarterfinals ngayong Miyerkoles sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Makakasagupa ng Bolts ang NLEX Road Warriors sa unang laro sa alas-3 ng hapon, na susundan ng salpukan ng Tropang Giga at Barangay Gine-bra Gin Kings sa alas-6 ng gabi.
Sa kabila ng twice-to-beat bonus ay wala namang planong magkumpiyansa ang tropa ni Meralco coach Norman Black.
“We know that’s gonna be tough, it’s not gonna be easy,” ani Black.
Tinapos ng Meralco ang eliminations na may four-game winning streak, ang ikatlo rito ay ang 104-101 panalo kontra NLEX noong nakaraang Miyerkoles, sapat para kunin ng Bolts ang No. 2 ranking sa likod ng eliminations topnotcher TNT.
“We wanted to go into the playoffs with some momentum. We did not want to go into the playoffs with a loss,” pahayag ni Black makaraang gapiin ang Barangay Ginebra, 79-66, noong nakaraang Huwebes sa kanilang huling elims game.
Ang pagkatalo ay nakatulong para malagay ang NLEX sa ika-7 puwesto at sa must-win handicap, kung saan determinado ang Road Warriors na ma-lusutan para maipuwersa ang deciding match.
Una sa lahat ay kailangang makahanap ng paraan si coach Yeng Guiao at ang kanyang tropa na mapunan ang mas balanseng scoring ng Meralco na ibabandera sina Anjo Caram, Allein Maliksi at Mac Belo.
Nariyan din ang mga tulad nina Bong Quinto, Alvin Pasaol, Chris Newsome at Reynel Hugnatan, ang huli ay balik sa koponan makaraang dumalo sa burol ng kanyang ina sa Bacolod.
Ang pagkakaroon ng balanseng koponan ang ipinagpapasalamat ni Black.
“A lot of guys have been stepping up. It’s just the next man up, as far as we’re concerned,” aniya.
“We don’t know who the star of the game might be, but everybody supports everybody and whoever has a good night leads us.”
Hindi naging problema ang depensa para sa Meralco dahil kabilang ito sa top defensive teams sa torneo, kung saan pinayagan nito ang mga katunggali sa average na 84.3 points per game lamang.
Gayunman, ang NLEX ay ranked third sa opensa na may 93.6 points kada laro at ang nag-iisa nilang elimination round meeting, kung saan humabol ang Road Warriors sa 20 points deficit upang maging dikit ang laban, ay patunay na maaaring pumutok ang koponan anumang oras.
27131 457986Following study some of the content for your internet site now, i genuinely as if your technique of blogging. I bookmarked it to my bookmark web site list and are checking back soon. Pls have a appear at my web site too and told me should you agree. 3653