SEMIS TARGET NG KINGS, E-PAINTERS

Kings, E-Painters

Mga laro nagyon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Magnolia vs Ginebra

7 p.m. – Rain or Shine vs Blackwater

SISIKAPIN ng Barangay Ginebra at Rain or Shine na maselyuhan ang kanilang puwesto sa semifinals laban sa Magnolia at Blackwater, ayon sa pagkakasunod, sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup quarterfinals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Target ng defending champions na masundan ang kanilang 85-79 panalo sa opener ng best-of-three series noong nakaraang Sabado.

Inaasahang magi­ging mas mainit ang laban na nakatakda sa alas-4:30 ng hapon dahil tiyak na gagawin ng Hotshots ang lahat para maipuwersa ang deciding game sa Huwebes.

Nauna nang sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na kailangang maresolba ng kanyang koponan ang defensive puzzle na ibinato ng Magnolia sa kanyang koponan upang agad na maisakatuparan ang hangaring umabante sa best-of-five semifinals.

“We have to handle it better on Tuesday, and make sure we are better prepared,” ani Cone.

“We got frustrated a lot throughout the game and our guys can’t afford to get frustrated, keep our focus on each possession.”

Samantala, puntirya naman ng Rain or Shine na masundan ang 83-80 panalo kontra Blackwater.

Isang 11-0 closing salvo na tinampukan ng tres ni Rey Nambatac sa huling 2.3 segundo ang nagbigay sa Elasto Painters ng panalo sa opener ng kanilang quarterfinals showdown noong nakaraang Sabado sa MOA Arena.

Sa panalo noong Sabado ay nakuha ng E-Painters ang twice-to-beat advantage, at sisikapin nilang tapusin na ang serye ngayong alas-7 ng gabi.

Ang higher-seeded Blackwater side ay kailangang manalo ng dalawang beses upang umusad sa semis.

“I think it was just a lucky win,” wika ni Rain or Shine coach Caloy Garcia kung saan binura nila ang 72-80 deficit upang maagaw ang panalo sa Blackwater.

Para kay  Blackwater coach Aris Dimauhanan, ang key factor ay ang playoff experience ng E-Painters na wala ang Elite. CLYDE MARIANO

Comments are closed.