SEMIS TARGET NG PINAYS SA AFF CHAMPIONSHIP

Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Stadium)
4 p.m. – Singapore vs. Australia
7 p.m. – Philippines vs. Indonesia
(Binan Stadium)
7 p.m. – Malaysia vs. Thailand

PUNTIRYA ng Pilipinas ang isang puwesto sa semifinals sa pagsagupa sa Indonesia sa penultimate match nito sa Group A ng 12th Asean Football Federation Women’s Championship ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Galing sa 4-0 pagdispatsa sa Malaysia noong Biyernes, pinapaboran ang mga Pinay na mamayani kontra Indonesians, na fifth sa standings na may one point, sa kanilang 7 p.m. clash upang kunin ang isang puwesto sa susunod na round

Sa wakas ay nakopo ang kanilang unang panalo sa 4-0 pagbasura sa Indonesia, dalawang araw na ang nakalilipas, palalakasin ng Australia ang kanilang kampanya na umabante sa semis sa pagharap sa Singapore sa alas-4 ng hapon sa parehong arena, habang magsasalpukan ang Thailand at Malaysia sa isa pang group match sa alas-7 ng gabi sa Binan Stadium sa Laguna.

Ang Thais, namayani sa Singaporeans, 3-0, ay nasa ikalawang puwesto sa likod ng hosts na may 7 points, ang Matildassa ikatlong puwesto na may 4 points, ang Malaysians sa ika-4 na may 2 points, habang ang Indonesians at Singaporeans ay nasa ika-6 at ika-7, ayon sa pagkakasunod, na may tig-isang puntos.

Sa kabila na liyamado ay walang plano si Australian coach Alen Stajcic na magkampante kontra Indonesians, ipinaliwanag na, “we got to win that game (on Sunday) so we can get a chance and get a good place in the semifinals, and make sure that we go in there with a lot of confidence.”

“We have a saying in Australia that we don’t want to put the cart ahead of the horse. It’s important that you don’t look far ahead of yourself, you have to stay humble and keep your feet on the ground,” pagbibigay-diin niya sa post-match conference.