Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
1:30 p.m. – Marinerong Pilipino* vs AMA
3:30 p.m. – CEU* vs Asia’s Lashes
* twice-to-beat advantage
SISIKAPIN ng group leaders Marinerong Pilipino at Centro Escolar University na magamit ang kanilang win-once incentives laban sa kani-kanilang katunggali sa pagsisimula ng 2019 PBA D-League quarterfinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Galing ang Skippers sa 88-74 panalo laban sa Centro Escolar University noong Lunes na naghatid sa kanila sa top spot sa Group A na may 6-0 kartada, at sisikapin nilang mapanatili ang momentum sa pagsagupa sa Titans.
Ang isa pang motibasyon para sa Marinerong Pilipino sa 1:30 p.m. tiff ay ang pagkakataong makabalik sa semis makaraang masibak noong nakaraang conference, ang una magmula nang pumasok ang franchise sa developmental ranks noong 2017.
Tatangkain naman ng Titans na makaganti at mapigilan ang outright semis bid ng Skippers.
Inaasahang pangungunahan ni second-generation cager Aaron Black, gayundin nina fellow ex-Ateneo Blue Eagle Vince Tolentino at Dennis Santos ang AMA, na galing sa impresibong 133-90 panalo kontra Hazchem noong nakaraang Setyembre 5.
Target ng AMA ang kanilang kauna-unahang semifinal appearance magmula nang pumasok sa developmental ranks noong 2014.
Samantala, sisikapin ng Scorpions na makaulit sa third-ranked Asia’s Lashes Tomas Morato, na kanilang tinambakan ng 30 points, 107-77, sa kanilang conference debut noong Agosto 30, sa bakbakan na nakatakda sa alas-3:30 ng hapon.
Comments are closed.