Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – TNT vs Converge
6 p.m. – San Miguel vs Blackwater
PUNTIRYA ng defending champion Talk ‘N Text at elimination topnotcher San Miguel Beer ang semifinals berths sa magkahiwalay na laro sa PBA Philippine Cup quarterfinals ngayon sa Araneta Coliseum.
Sasagupain ng Tropang Giga ang Converge FiberXers sa alas-3 ng hapon habang haharapin ng Beermen ang Bossing sa alas-6 ng gabi.
Tangan ang twice-to-beat advantage, kailangan lamang manalo ang TNT at SMB ng isang beses para umabante sa best-of-seven semifinals.
Balik si coach Chot Reyes sa bench ng TNT matapos hawakan ang Gilas Pilipinas na nabigo sa FIBA Asia qualifying sa Jakarta, Indonesia.
Pinapaborang manalo ang TNT at SMB dahil malalim ang kanilang bench na tiyak na gagamitin nina coach Reyes at Leo Austria na tuntungan tungo sa semis.
Nakapasok ang Converge at Blackwater sa quarterfinals sa panalo ng Meralco kontra Terrafirma, 105-89.
Pangungunahan nina Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario, Mikey Williams at John Paul Erram ang opensiba ng TNT laban kina Regie Michael Digregorio, Justine Arana, Mike Tolomia, Regie Kent Ilagan, David Murrel at Alec Stockton ng Converge.
Nasa frontline naman sina June Mar Fajardo, LA Tenorio, Scottie Thompson, Marcio Lassiter, at Vic Manuel para sa Beermen laban kina Bossing Baser Amer, JV Casio, Barkley Eblona, Renato Ular at Rey Suerte.
Bukod sa scoring, babantayan ni Fajardo ang low post at inaaasahang dodominahin ng 6-foot-10 ang shaded area.
CLYDE MARIANO