Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
3 p.m. – San Miguel vs Bay Area
5:45 p.m. – Magnolia vs Ginebra
SIMULA na ang best-of-five PBA Commissioner’s Cup semifinals ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.
Magsasalpukan ang San Miguel Beermen at Bay Area Dragons sa alas-3 ng hapon na susundan ng duelo ng Barangay Ginebra Kings at Magnolia Timplados Hotshots sa alas-5:45 ng hapon.
Inaasahan ang umaatikabong bakbakan ng apat na koponan na pawang iisa ang layunin — ang magmartsa sa best-of-seven finals at kunin ang korona.
Lamang ang Dragons sa Beermen dahil nasa kanila sina NBA veteran Andrew Nicholson, Hayden Blankley, Duncan Reid, Zhu Sonwei at 7-5 Liu Chuanxing.
Sa eliminations ay namayani ang tropa ni Australian coach Brian Goorjian sa SMB at ayaw ni coach Leo Austria na maulit uli.
Pinagsabihan ng 64-anyos na veteran coach ang kanyang bagong import na si Devon Scott at kanyang mga local player, sa pangunguna ni six-time MVP June Mar Fajardo, maglaro nang husto at gawin ang lahat para makaganti sa Bay Area at kunin ang Game 1.
Dito masusubukan ang galing ni Scott laban kay Nicholson sa una nilang paghaharap sa PBA. Pinalitan ng 6-10 Canadian NBA veteran si Myles Powell bilang import ng Dragons.
Kailangang magsanib-puwersa sina Fajardo, Marcio Lassiter, CJ Perez, Jericho Cruz at ang nagbabalik na si Terrence Romeo para mamayani sa Hong Kong-based squad. Bukod sa scoring ay makikipagbalyahan ang 6-foot-10 na si Fajardo kay 7-5 Liu Chuanxing sa low post.
Si Fajardo ay uma-average ng double-double per game at kailangang ma-sustain ng Cebuano slotman ang kanyang laro laban sa Dragons.
Angat naman ang Ginebra sa Magnolia dahil malalim ang kanilang bench at nasa kanila si all-around resident import Justin Brownlee kasama ang twin tower nina Japeth Agular at Christian Starhardinger at deadly trio nina LA Tenorio, Scottie Thompson at Stanley Pringle.
Sasandal ang Manolia kina import Nikola Rakocevic at locals Paul Lee, Jio Jalalon, Marc Andy Barroca, Calvin Abueva at Ian Sangalang.
CLYDE MARIANO