Sen. Bato kinontra si Digong, kinumpirmang wala sa narco-list si Marcos

KINUMPIRMA ni Senador  Ronald “Bato” Dela Rosa na kailanman ay hindi nakasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa anumang narco-list noong siya ay chief ng Philippine National Police (PNP), taliwas sa alegasyon ni dating Presidente Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam, sinabi ni Dela Rosa na sa kanyang buong panunungkulan bilang top cop ng bansa ay hindi niya nakita ang pangalan ni PBBM sa listahan ng mga personalidad na sangkot sa  illegal drug trade.

Wala akong nakita. May mga chismis lang, pero sa aking mga listahan noong ako ay Chief PNP, wala akong nakita,” pagbibigay-diin ni  Dela Rosa,  pinabulaanan ang akusasyon ni Duterte.

Nang tanungin kung si Presidente Marcos ay inimbestigahan o pinaghinalaan sa ilegal na droga, sinabi ng dating PNP chief na: “Wala. Hindi namin siya inimbestigahan.

Ang pahayag ni Dela Rosa ay kapareho sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pinabulaanan din ang alegasyon ng dating Pangulo., binigyang-diin na ang pangalan ni PBBM ay hindi kailanman napasama magmula nang likhain ang National Drug Information System o NDIS.

Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was never in its watchlist,” pahayag ng PDEA sa isang statement, sumasalungat kay Duterte na nagsabing  ipinakita sa kanya ng ahensiya ang ebidensiya, na nagpapakita sa pangalan ni Marcos sa sinasabing drug list.

It is worthwhile to note that, when the former President took over in 2016, his administration came out with a list, which was then initially called the ‘narco-list, sometimes referred to as the Duterte list, and upon continuing validation and re-validation, it became the Inter-Agency Drug Information Database, or IDI,” ayon sa PDEA.

The name of President Marcos is also not in the said list,” dagdag ng  ahensiya.

Sinabi rin ni Senator Imee Marcos na humingi sa kanya ng tawad si Davao City Mayor Sebastian Duterte sa pagpanawagan sa pagbibitiw ni Presidente Marcos.

Mayor Baste approached me to say sorry over and over again. I understood him for being emotional because of concerns that his father and sister may be arrested,” wika ni Senator Marcos sa isang panayam.