SEN. BONG GO, INAYUDAHAN ANG ­MAHIHIRAP NA KOMUNIDAD SA LALAWIGAN NG AURORA

INAYUDAHAN  ni Sen.Bong Go kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na komunidad sa bayan ng Dipaculao at San Luis sa lalawigan ng Aurora.

Isinagawa ang pamamahagi ng dalawang araw na tulong nitong Mayo 26 at 27 sa Dipaculao Evacuation Center at Bacong covered court sa San Luis.

Namahagi ang mga staff ni Sen. Bong Go ng mga pagkain, face masks, damit, sapatos sa 469 residente.

Si Sen. Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography ay patuloy na susuportahan ang pagtatayo ng Super Health Centers sa bansa upang mabawasan ang hospital occupancy rates at mapalapit ang health sa mga mahihirap.

“Patuloy po akong tutulong sa pagpaparami ng Super Health Centers sa bansa sa abot po ng aking makakaya. Sa mga itinayo ng Super Health Centers, nakita namin kung gaano kalaki ang naitutulong nito sa komunidad lalo na sa rural areas,” wika ni Sen. Bong Go.

Sa tulong ng mga kasama sa Senado ay nakapagtayo na ng 307 Super Health Centers noong 2022 at 322 noong 2023.

Ang Department of Health, ang nagsasagawa ng implementasyon para alamin ang mga lugar na pagta­tayuan ng mga health center.