MATAPOS mabalitaan na 300 pamilya sa Barangay 144 sa Pasay City ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog ay agad na nakipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government unit (LGU) si Sen. Bong Go para magbigay ng dagdag-ayuda sa mga biktima.
Nagpaalam si Sen. Go kay DSWD Secretary Erwin Tulfo na mamimigay rin ang kanyang tanggapan ng cash assistance sa mga biktima ng sunog sa Pasay.
Ayon kay Sen. Go, dagdag tulong lang ang kanilang ibibigay mula sa naunang naibigay na ng DSWD.
Nakiusap din si Sen. Go kay Sec. Tulfo na impormahan din ang kanyang opisina kapag may kalamidad para makatulong kahit paano.
Namigay na ang DSWD ng mga pagkain at P5000 cash assistance sa mga pamilyang nasunugan.
Dadagdagan naman ng tanggapan ni Sen. Go ang nauna nang naibigay na ayuda ng DSWD.
Anang senador, bagamat busy siya sa Senado ay hindi naman niya nakakalimutan ang mga biktima ng anumang kalamidad dahil nakasanayan na niya ang pagtulong mula pa noong nasa Davao sila ni dating Pang. Rodrigo Duterte hanggang sa maging senador siya.