ITINANGGI ni Senador Lito Lapid ang kanyang pagkakasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga at nangakong magbibitiw kung mapatunayang sangkot siya.
Itinanggi rin ng senador ang mga alegasyon ng hindi pinangalanang vlogger na pag-aari niya ang 10-ektaryang lupain kung saan matatagpuan ang POGO hub sa Porac, Pampanga.
Aniya, naging bise-gobernador siya ng Pampanga sa loob ng tatlong taon, tatlong terminong gobernador at sa kanyang ikaapat na termino bilang senador kung manalo siya sa senatorial elections sa 2025.
“I will not allow my name to be ruined here,” ani Lapid.
Bilang tugon sa mga akusasyon na unang ibinato laban sa kanya, nanawagan si Lapid sa Senado na isama ang POGO sa Pampanga sa mga isinasagawang imbestigasyon at labanan ang mga responsable sa mga karumal-dumal na krimen na ginawa sa ilalim ng takip ng mga lisensyadong operasyon ng POGO.
LIZA SORIANO