GAGAWARAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senadora Miriam Defensor Santiago ng pinakamataas na civilian service award sa Filipinas.
Gaganapin ngayon sa Malakanyang ang seremonya sa paggawad ng Quezon Service Cross sa yumaong senadora.
Si Santiago ang kauna-unahang babaeng tatanggap ng naturang parangal.
Noong nakaraang taon ay isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ni Santiago sa Kamara para sa nominasyon.
Sa kanyang liham sa Kongreso, sinabi ng pangulo na habang nabubuhay si Santiago ay ginamit ng dating senadora ang mga talento nito para magserbisyo sa taumbayan at sa bansa.
Kabilang sa mga una nang nagawaran ng Quezon Service Cross Posthumous Award ay sina dating Se-nador Ninoy Aquino, dating DILG Secretary Jesse Robredo at dating pangulong Ramon Magsaysay ha-bang buhay pa nang gawaran naman ng parangal sina dating Pangulong Emilio Aguinaldo at Carlos Romulo. DWIZ882
Comments are closed.