INAYUDAHAN ni Sen. Grace Poe ang may 120 homeless families sa Zamboanga City na mga biktima ng sunog sa Cabato Road, Brgy. Tetuan noong Enero 6.
Ipinagkaloob ang tulong sa pamamagitan ng Panday Bayanihan, na isang nongovernment organization na pinamumunuan ng kanyang anak na nagsisilbi ring kanyang chief of staff na si Brian Poe Llamanzares.
Tumanggap ang mga benepisaryo ng bags na naglalaman ng kilos of rice, cans of corned beef at beef loaf, packs of instant noodles, at sachets of coffee drink.
“Sana po makatulong kahit paano ang aming munting naiabot. Ang mga tulong po na ito ay bukal sa aming puso dahil ang malasakit sa kapwa kung wagas sa puso ay walang hinihintay na kapalit,” wika ni Poe.
Ang Panday Bayanihan ay inorganisa noong 2013 nang manalasa ang typhoon “Maring” kung saan naapektuhan nito ang may 2.5 million people at nawalan ng bahay ang may 800,000 residente.
Ang NGOs objective and mission ay para makatulong sa mga nangangangailangan lalo na ang mga biktima ng kalamidad.
Ang Panday Bayanihan ay ipinangalan sa iconic fictional local hero of the underdog masses na ginampanang papel ng ama ng senador na si Fernando Poe Jr., sa “Ang Panday” movie series.
“Whatever disaster or calamity that may hit anywhere in the country, the bayanihan spirit will always be there. Nand’yan palagi ang ating mga kababayan na handang tumulong. That’s what Panday Bayanihan stands for. Kaya Panday Bayanihan dahil bayanihan ang pinapalaganap natin dito,” wika ni Poe.
Comments are closed.