NAGPASALAMAT si Sen. Grace Poe sa pagiging No.1 sa Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey na resulta ng pagtatanong sa 3,382 katao na tinasa ng prestihiyosong Publicus Asia Inc. na pag-aari ng kilalang political analyst na si Malou Tiquia.
Nagpasalamat si Poe sa pangunguna sa RMN survey sa natamong 72 porsiyento (%) samantalang pumangalawa si Pia Cayetano (62%) at pangatlo lamang si Sen. Cynthia Villar na nagtamo ng 55%. Pumang-apat si Sen. Nancy Binay na may natamong 52%, panglima si dating senador Lito Lapid sa nakuhang 47%, pang-anim si Sen. Sonny Angara sa 42% samantalang nasa No. 7 spot si dating Philippine National chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa 41% kapantay si dating senador Serge Osmeña (41%).
Nasa No. 9 spot si Sen. Bam Aquino, No. 10 si Sen. JV Ejercito at No. 11 si dating senador Jinggoy Estrada na pawang nakakuha ng 40% sa mga boto.
Pang-12 naman si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos kapantay si Sen. Aquilino Pimentel III sa natamong 37%.
May kabuuang 3,382 tagapakinig at rehistradong botante sa buong bansa ang nakapanayam ng RMN mula Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 17, 2018 para sa RMN Networks 2019 Election Survey.
“This was conducted by the RMN Research Department across the RMN Network of stations to provide results from major areas within the country. Data gathered were checked and verified by independent research consultants. The margin of error is (+) or (-) 2.5%,” paliwanag ng RMN. “This project is part of RMN Networks commitment to raise public awareness and voter participation in the 2019 elections.”
Comments are closed.