MAGPAPADALA ang Sergeant-at-Arms ng Senado ng kanilang grupo sa Davao at Cebu para arestuhin si dating Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) head Lloyd Christopher Lao.
Ito ay matapos hindi dumalo sa ilang pagdinig si Lao sa Senado ukol sa mahal na pagbili ng medical supplies.
“Sergeant-at-Arms Gen. Rene Samonte said several teams will be deployed to Lao’s known addresses in the cities of Davao and Cebu to serve his warrant,” ayon sa Senate Public Relations and Information (PRIB).
“He said OSAA (Office of the Sergeant-at-Arms) officers are expecting to apprehend Lao over the weekend or Friday at the earliest,” dagdag pa nito.
Naghain ang Senado ng contempt citation laban kay Lao dahil sa hindi pagdalo sa mga pagdinig ng blue ribbon committee sa apat na pagkakataon.
Ayon sa PRIB, tinangkang maghain ng warrant of arrest ng Senado sa bahay ni Lao sa Quezon City subalit nabigo ito.
“The OSAA team led by Raul Herrera discovered two mailboxes assigned to condo units 324 and 326, the known residence(s) of Lao,” ayon sa PRIB.
“Herrera said that when he knocked at the door, Unit 324 was apparently unoccupied while Unit 326 was occupied by a certain employee of the Housing and Land Use Regulatory Board,” dagdag pa nito.
LIZA SORIANO