SENADO BALIK SESYON NA

BALIK  sesyon na ang Senado nitong Lunes, Mayo 8, matapos ang legislative break.

Sa sesyon, nagkakaisang inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 1615, na naglalayong kilalanin ang munisipalidad ng Baler sa Aurora Province bilang “Birthplace of Philippine Surfing.”

Samantala, nauna nang nagpahayag ng kumpyansa si Senate President Juan Miguel Zubiri na maipapasa ang panukalang batas na naglalayong pataasin ang sahod ng mga manggagawa sa bansa ngayong balik na ang sesyon.

“Workers are not feeling the drop in inflation; the price of gas and even the price of electricity is still high, the transportation costs are also higher now…so we really have to help our workers,” ani Zubiri.

Aniya pa, suportado ng Senate minority leader ang nasabing panukala.

“Sen. Koko (Aquilino) Pimentel (III), has also expressed that he favors this bill that seeks to help our workers,” ayon kay Zubiri.“We have so many co-authors of the bill now, including Senators Loren Legarda, Nancy Binay and Grace Poe, and other senators,” dagdag pa niya. LIZA SORIANO