SENADO DAPAT MAGKAROON NG POSISYON SA CHA-CHA—IMEE

IGINIIT  ni Senador Imee Marcos na dapat magkaroon ng isang posisyon ang Senado patungkol sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

“Kinakailangan. Kasi parang ang nangyayari ay iba-bypass na lang ang Senado. Pwede bang ganon na papalitan na lang ang Konstitusyon [at] sila-sila lang ang nag uusap? Ang labo naman,” ayon kay Marcos.

Giit nito, nagsagawa ng executive session ang Senado nitong Miyerkoles upang talakayin ang umano’y patuloy na pagtulak para sa pamamaraan ng people’s initiative na amyendahan ang 1987 Constitution.

“Hindi ako naka- attend [sa] executive session, pero alam ko may kinalaman sa people’s initiative dahil abalang abala nga ang mga senador sa mga pangyayari dahil nagkagulatan,” anang mambabatas.

Nauna nang sinabi ni Albay 2nd District Rep. Edcel Lagman na idinagdag ang P14 bilyong item sa 2024 General Appropriations Act sa bicameral conference committee para pondohan ang Charter Change.
LIZA SORIANO