SENADO GAGAWING PRAYORIDAD ANG RIGHTSIZING NG NATIONAL GOVT

INIHAYAG ni Senate President Chiz Escudero na uunahin ng Senado ang right­sizing ng national government upang matiyak na maipapasa ito bago mag-adjourn ang 19th Congress.

Pinangunahan ni Escudero ang isang consultative meeting para talakayin ang panukala upang marinig ang mga input ng mga ahensyang sasakupin ng panukala, gayundin ang pagkakatugma ng iba’t ibang bersyon na kinuha ng Kamara.

Ayon kay Escudero, umabot sa limang oras ang kanilang pagpupulong.

“We wanted to address most, if not all, of the possible concerns that could be raised on the rightsizing bill during the period of interpellations. Once we get all the submissions from the relevant agencies, we will incorporate these in the substitute bill and use these as the bases of our forthcoming debates next week,” anang mambabatas, author at sponsor ng Senate Bill No. 890 o Rightsizing National Government Act.

Inaprubahan ng House of Representatives ang rightsizing bill nito noong Marso 2023.

Ipagpapatuloy ng Kongreso ang mga sesyon nito sa Enero 13 at magkakaroon muli ng session break mula Pebrero 8 hanggang Hunyo 1 para sa panahon ng kampanya ng Mayo 2025.

LIZA SORIANO