SENADO INIIMBESTIGAHAN ANG PAGKAMATAY NG OFW SA SAUDI

NAGHAIN  ng resolusyon si Senador Risa Hontiveros na humihimok sa Senado na imbestigahan ang pagkamatay ng 32-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na si Marjorette Garcia sa Saudi Arabia.

Natagpuang patay si Garcia na may mga saksak.

Sa pamamagitan ng panukalang Senate Resolution No. 817, hiniling ni Hontiveros sa naaangkop na komite ng Senado na maglunsad ng imbestigasyon para makatulong sa pagbibigay ng mas matibay na mekanismo para protektahan at pangalagaan ang mga Filipina migrant workers.

“An inquiry must be conducted to bring justice to Garcia’s family, with the objective of ensuring that women migrant workers, who are often subjected to extensive violence, are protected and safeguarded,” dagdag ni Hontiveros.

Iniulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) noong 2021 na 75 porsyento ng 23,986 na kaso ng pang-aabuso ay kinabibilangan ng mga babaeng migranteng manggagawa.

“There must be stronger mechanisms to provide comprehensive assistance and sustainable protection to OFWs, particularly women migrant workers, throughout the whole process from recruitment to repatriation,” dagdag ng mambabatas.
LIZA SORIANO