SENADO INIURONG ANG IMBESTIGASYON SA SUGAR SMUGGLING

Nagpasya ang Senate blue ribbon committee nitong Lunes na ipagpaliban ang imbestigasyon nito sa umano’y pagpupuslit ng asukal dahil sa kawalan ng mahahalagang resource person, kabilang si Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban Jr.

“Invoking the rules of this committee..and reiterating that the findings of this committee will not be based on speculations but on merits of the evidence that’s presented and not the weakness of the defense. Without the objections on the part of my colleagues this committee hearing is hereby postponed until further notice,” sinabi ni Senador Francis Tolentino, chairperson ng blue ribbon committee.

Sa kanyang pambungad na pahayag, napansin ni Tolentino ang kawalan ng mga inimbitahang Cabinet secretaries partikular na sina NEDA Secretary Arsenio Balisacan at Trade Secretary Alfredo Pascual.

Tinukoy rin niya ang “glaring absence” ni Panganiban at David John Alba, ang dating hepe ng Sugar Regulatory Administration.

“Hindi po natin mahahalukay po ang nilalaman nito kung wala po ‘yung mga nabanggit ko. So, they are vital to the investigation that this committee will be undertaking. Kaya mahihirapan po siguro tayong tumuloy kung wala sila,” ayon kay Tolentino.

Ikinalungkot din ng Senate blue ribbon chairperson kung paano ipinagpaliban ang pagdinig sa pangalawang pagkakataon sa parehong dahilan.

“Nakakalungkot po ‘yan. Pangalawang hearing na po natin ito e. Sana ay masimulan na at matapos na…

Ganunpaman, sa mga naririto magkakaron pa tayo ng susunod na pagdinig kasama ang mga nabanggit ko na wala ngayon.”
LIZA SORIANO