SENADO IPAGPAPATULOY ANG PAG-IIMBESTIGA SA KATIWALIAN

MAGPAPATULOY  ang Senado sa pagbubulgar at pag-iimbestiga sa mga katiwalian sa gobyerno.

Sa talumpati ni Senate President Vicente Sotto III sa pagbubukas ng 3rd Regular Session ng Kongreso, sinabi niya na magsisiyasat ang isa sa mga komite ng kapulungan hanggang sa madilim na sulok ng burukrasya kung saan may katiwalian at injustice.

Paliwanag pa ni Sotto na ready at willing ang Senado na makipagtulungan sa ibat ibang sangay ng gobyerno para magtuwid ng mga mali sa gobyerno.

Ayon pa sa mambabatas, nananatili ang katiwalian at sa katunayan ay marami na ang nakasuhan at nasibak sa puwesto.

Inihalimbawa niya rito ang Philhealth at Department of Agriculture (DA) na kapwa inimbestigahan Senado at marami pa rin umanong ahensiya na may katiwalian na kailangang bantayan at imbestigahan.

Ito ay dahil ang Senado ay nakakapagsiyasat in aid of legislation na ang ibig sabihin ay para sa paglikha o pag- amyenda ng batas. LIZA SORIANO

6 thoughts on “SENADO IPAGPAPATULOY ANG PAG-IIMBESTIGA SA KATIWALIAN”

  1. 920967 918243Was koche ich heute – diese Frage stellen sich tag fuer tag viele Menschen. Und wir haben tag fuer tag die perfeckte Antwort darauf! Besuchen Sie uns auf unserer Webseite und lassen Sie sich von uns beraten . Wir freuen uns auf Sie! 760133

Comments are closed.