SENADO, IPINAGDIWANG ANG KONTRIBUSYON NG KABABAIHAN LABAN SA PANDEMYA

Joel Villanueva

KASABAY ng pagdiriwang ng International Women’s Day, inalala ng Senado ang naging kontribusyon ng kababaihan upang labanan ang Covid-19 na pandemya.

Sa ilalim ng Senate Resolution No. 673, ang tema para sa women’s day ngayong taon ay  “Women in leadership: Achieving an equal future in a COVID-19 world.”

Ayon kay Sen.Joel Villanueva, kinikilala ang mahalagang papel o kontribusyon ng mga kababaihan sa  buong mundo lalo na ngayong may pandemya.

“While recognizing that across the world women are facing increased domestic violence, unpaid care duties, unemployment and poverty, and despite women making up a majority of front-line workers, there is disproportionate and inadequate representation of women in national and global COVID-19 policy spaces,” ayon pa sa resolusyon.

Kasabay rin nito, nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang Philippine Commission para sa mga kababaihan na tinatalakay ang pakikipaglaban  sa panahon ng pandemya.

“With more than 53 million women in the country, almost 50 percent of whom form part of the workforce, including health care workers and other front-liners, ensuring women’s effective participation in policy and decision-making processes is an ongoing yet indispensable effort requiring the full support of all sectors of society,” saad pa sa resolusyon. LIZA SORIANO

One thought on “SENADO, IPINAGDIWANG ANG KONTRIBUSYON NG KABABAIHAN LABAN SA PANDEMYA”

Comments are closed.