SINUSPINDE ng Senate finance subcommittee ang deliberasyon sa 2023 budget ng Commission on Elections (Comelec).
Si Senador Imee Marcos, na nanguna sa pagdinig, ay sinuspinde ang talakayan dahil sa pagkaalarma sa pagkabigo ng poll body na magsumite ng mga kinakailangang dokumento.
“I am not in receipt of any document at all. That being the case, I urge that we postpone this budget hearing,” ayon kay Marcos.
“I was alarmed by the failure of Comelec to produce the required information,” dagdag pa niya.
Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, hindi pa naihanda ng ilang opisyal ang mga kinakailangang dokumento.
“There was a preparation, but it would appear that certain of our officials failed to prepare the summary as being requested by the chairperson, your honor,” aniya.
Tiniyak ni Garcia kay Marcos na isusumite nila ang mga kinakailangang dokumento Lunes ng hapon.
Kabilang sa mga dokumentong hinihiling ng panel ay ang impormasyon tungkol sa badyet para sa halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan, kompensasyon ng mga manggagawa.
LIZA SORIANO