SENADO KINUKUWESTIYON ANG DOH SA PATULOY NA PAGPAPAGAMIT NG FACE SHIELDS

SEN-RICHARD-GORDON

KINUWESTIYON ng Senado ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pag-oobliga sa publiko ng pagsusuot ng face shields sa mga public area.

Kaugnay ito ng isyu sa pagbili ng pamahalaan sa mga overpriced na medical supplies.

Ayon sa mga senador, isa ang face shields sa pinakamahal na binili ng Department of Budget and Management’s procurement service (PS-DBM) na nagkakahalaga ng P122 kada piraso.

“Anlaking bilyong ang inabot nyan, daang milyon. PS-DBM and all you folks out there, hindi ko kayo nilalahat, is a kingdom unto itself. May sarili kayong kaharian answerable only to the president,” sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon.

Iginiit din ni Gordon na hindi inirerekomenda ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) at ng World Health Organization’s (WHO) ang paggamit ng face shields.

“Both the WHO and the CDC do not have recommendations on making wearing face shields a policy pero pinilit n’yo yan limpak limpak ang face shield ang inorder ‘nyo,” ani Gordon.

Nilinaw naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na bahagi ng PPE ang mga face shield na kabilang sa nasabing presyo.

“Yung mga face shields na binili kasama po part of the PPEs. Meron din kasing resolution noong Dec. 14, 2020 IATF through resolution 88 reiterated the use of face shield for all persons. So this is an IATF policy and we again reiterate are for healthcare workers,” paliwanag ni Duque. LIZA SORIANO

7 thoughts on “SENADO KINUKUWESTIYON ANG DOH SA PATULOY NA PAGPAPAGAMIT NG FACE SHIELDS”

  1. 886214 301166I need to have to admit that that is 1 great insight. It surely gives a company the opportunity to have in about the ground floor and actually take part in making a thing unique and tailored to their needs. 41243

Comments are closed.