SENADO KUMILOS VS US SOLONS

LACSON-SOTTO-HONASAN

DALAWANG resolusyon ang inihain ni Senador Panfilo Lacson kasama sina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Gregorio Honasan II  na naglalayong sermunan ang mga mambabatas ng Estados Unidos na nakikialam sa sistema ng Hudikatura ng Filipinas.

Sa Senate Resolution 1037 na magkasamang iniakda at isinumite ng tatlong mambabatas, malinaw na isinaad ng mga ito na hindi puwedeng makialam ang mga dayuhan sa panloob na usapin ng Filipinas.

Nilinaw ni Lacson, walang ibang hangarin ang kanilang pagsasampa sa Senate Resolution 1037, at kung may mga personalidad umanong nasali sa aksiyon nilang ito laban sa pakikialam ng mga banyagang mambabatas, ito ay nagkataon lamang.

“Sen. (Leila) de Lima and Ms. (Maria) Ressa are but incidental to the intent of this resolution. They are entitled to fair justice and judgment by the courts handling their cases. But what we need to point out is that supremacism has no place in a civilized world regardless of race, color and status in wealth and power,” paliwanag ni Lacson.

“We are not their colony. We have a Constitution that provides for three co-equal branches and a judicial system where due pro-cess is followed, regardless of its flaws and weaknesses,” banggit ni Lacson sa kanyang Twitter account bago pa man maisampa ang resolusyon nitong nakaraang Abril 10.

Partikular na nilalaman ng Senate Resolution 1037 ay ang matigas na paninindigan ng tatlong mambabatas sa proposed US Resolution 233 at 142 na parehong nagtataglay ng lantarang pakikialam sa mga usapin ng politika at hudikatura ng bansa. Isinulong ng dalawang US resolution ang paglaya kay de Lima at Ressa.

“(I)t is submitted that the said Resolutions are highly inappropriate and unbefitting, considering that the Philippines is no longer a vassal or a colony of the United States of America but a sovereign state and a member of the family of nations governed by its own municipal laws and the generally accepted principles of international law,” saad ng resolusyon ng tatlong senador.

Ang US House Resolution No. 233 na inihain noong Marso 14 ay iniakda nina Rep. Karen Lorraine Jacqueline Speier ng California’s 14th Congressional District; James Patrick McGovern ng Massachusetts’ 2nd Congressional District; Hank Calvin John-son, Jr. ng Georgia’s 4th Congressional District; Jamin Ben Raskin ng Maryland’s 8th Congressional District; Bradley James Sherman of California’s 30th Congressional District; at Lloyd Alton Dogget II ng Texas’ 35th Congressional District.

Sa panig naman ng US Senate, ang Resolution No. 142 na inahain noong Abril 4 ay nilagdaan ng mga senador na sina Edward John Markey ng Massachusetts; Marco Rubio ng Florida; Richard J. Durbin ng Illinois; Marsha Blackburn ng Tennessee; at Christopher Andres Coons ng Delaware.

Ayon sa Senate Resolution 1037, hindi maaa­ring palayain si de Lima at Ressa at bitiwan ang kaso laban sa kanila at sa Rappler, dahil hindi maaaring pakialaman ng mga banyaga ang hudikatura ng Filipinas.

Idinidiin din ng resolusyon na ang kaso laban kay Ressa ay hindi dahil kritiko siya ng admi­nistrasyon kundi dahil sa paglabag sa batas ng Fi­lipinas, kasama ang Cybercrime Prevention Act of 2012; National Internal Revenue Code; at Anti-Dummy Law of the Philippines.    VICKY CERVALES

Comments are closed.