(Senado mag-iimbestiga) MGA PINAY PINASOK NA ANG PAGIGING SURROGATE MOM

Ikinabahala ng Senado ang napaulat na may mga Pilipina sa Cambodia na ginawang  “baby-ma­ker” o surrogate mo­thers

Dahil dito,  iimbestigahan ng Senado ang napaulat na kaso ng mga Pilipinang nasagip sa Cambodia  na sinasabing sangkot sa ganitong gawain.

Sa Senate Resolution 1211 , iimbestigahan  ng Senate Committee on Women, Children, Fa­mily Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Riza Hontiveros ang posibleng human trafficking case na ito sa mga Pinay sa abroad .

Sa bilang na ito, 13 ang nagbubuntis ngayon habang ang pito ay nakatakdang i-repatriate pabalik ng Pilipinas.

Ang mga Pinay ay na-recruit online at karamihan pa sa mga ito ay batid mismo kung ano ang pinasok na gawain.

Nauna rito, nasa 20 Pilipina ang nasagip ng mga Cambodian police sa Kandal province na ginagamit para sa surrogacy o pagbubuntis para sa anak ng iba.

Nagbabala rin  ang Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa bagong human trafficking scheme na tuma-target ngayon sa mga Pinay.

LIZA SORIANO