SENADO MAS MAGHIHIGPIT PA SA MGA PAPASOK SA GUSALI

HINIGPITAN ng Senado ang protocols para makapag-ingat sa COVID-19 partikular na sa Delta variant.

Sinabi ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, hybrid pa rin ang plenary session at mga committee hearing at magiging limitado pa rin ang mga physically present sa Senado at mas nakararami ang virtual o via video conference ang pagdalo.

Idinagdag pa ni Zubiri na mas magiging mahigpit ang pagpasok ng mga bisita at kailangan munang magnegatibo sa COVID-19 antigen swab test bago pumasok sa Senate hearing at may mahigpit na screening bago pumasok sa gusali,

Ayon pa sa mambabatas, matapos na mabakunahan ng mga senador at mga empleyado ay inakala nila na maaari na silang lahat mag- face to face sa trabaho, subalit hindi umano ito maaari dahil sa mga bagong kaso ng Delta variant kaya dapat na maghigpit ang Senado dahil sinabi na ng mga eksperto na mas mabagsik ang nasabing variant.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Zubiri na kahit hybrid pa rin ang kanilang trabaho ay maatupag pa rin ang kanilang mga gampanin partikular na ang panukalang batas na mga dapat busisiin.

Samantala ngayong araw ng Martes ay magkakaroon ng caucus ang mga senador para isapinal ang priority bills sa susunod na dalawang buwan bago pumasok ang Oktubre kung kailan magbe- break ang sesyon at maghahain na ng kandidatura ang mga tatakbo para sa 2022 elections. LIZA SORIANO

7 thoughts on “SENADO MAS MAGHIHIGPIT PA SA MGA PAPASOK SA GUSALI”

  1. 274091 336098Was koche ich heute – diese Frage stellen sich tag fuer tag viele Menschen. Und wir haben tag fuer tag die perfeckte Antwort darauf! Besuchen Sie uns auf unserer Webseite und lassen Sie sich von uns beraten . Wir freuen uns auf Sie! 999218

Comments are closed.