SENADO PATULOY NA SUSUPORTA SA WPS

Nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na patuloy ang suporta sa mga isla sa West Philippine Sea (WPS) at sa mga unipormadong tauhan na nakaposisyon sa lugar.

“Patuloy nating susuportahan ang mga proyekto at programang ikauunlad ng Pag-asa. This is how we defend the West Philippine Sea – by taking care of our people and helping them build a stronger and larger community here,” dagdag pa Zubiri nang bisitahin ang Kalayaan Island.

Kasama niya sina Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leader JV Ejercito at Defense Secretary Gilberto Teodoro.

Sinabi ni Zubiri na maglalaan sila ng karagdagang pondo para sa pagpapaunlad ng mga isla sa WPS.

Maging ang AFP at Philippine Coast Guard ay magkakaroon ng pondo para sa karagdagang kagamitan, aniya.

Gayunpaman, hindi idinetalye ng senador kung ano ang mga kagamitang ito at sinabing maaaring nakikinig ang militia ng China at mga barko ng China Coast Guard.

LIZA SORIANO