SENADO SINIMULAN NA ANG DEBATE SA MAHARLIKA FUND

SINIMULAN  ng Senado ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bills.

Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga hakbang na naglalayong lumikha ng pondo, ay tinalakay ng Senate committee on banks, financial institutions at currency, na pinamumunuan ni Senator Mark Villar.

Si Villar, kaalyado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang naghain ng bersyon ng Senado ng panukalang batas.

Nauna nang sinabi ng senador na dapat aprubahan ang panukalang batas para sa pagkamit ng mga layunin ng ekonomiya ng bansa. LIZA SORIANO