INIHAYAG ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na pumanaw na ang kanyang ama ngayong “Araw ng Kalayaaan” na si dating Senador Rodolfo Biazon sa edad na 88.
“It is with deep sadness that we announce that the bell has rung and the last Taps has been sung for General Rodolfo Gaspar Biazon, former AFP Chief of Staff, member of the Philippine Senate and House of Representatives,” ani Biazon.
Dagdag pa ng alkalde na “It is perfectly fitting that today, Independence Day, at around 8:30am, the soldier who dedicated his life and laid it on the line in defending freedom and democracy, has been set free from the pains of this world.”
Ayon kay Biazon, na-diagnosed ang kanyang ama na may lung cancer in noong Hulyo ng 2022 at sumailalim sa nauukol na panggagamot.
Sa taong kasalukuyan ay dinapuan Ang dating senadora ng sakit na pneumonia ng dalawang beses kung saan Ang ikalawang pag atake sa kanya ng sakit na ito ang pinakamalala na nagpahina ng kanyang lungs.
“He courageously fought his last battle like a Marine would, but it is the Lord’s will which prevails. The family is grateful that we were able to spend his last moments with us intimately and peacefully,” anang alkalde.
Nagpasalamat din si Biazon mula sa kanyang inang si Monchie, kapatid na babaeng si Richie at kapatid na lalaking si Rino, mga manugang, apo, apo sa tuhod, sa mga nagpakita ng suporta, pagmamahal at pakikipagkaibigan noong aktibong nabubuhay pa ang kanyang ama.
Isinilang si Biazon noong Abril 14, 1935 sa Batac, Ilocos Norte, at kumuha ng mechanical engineering sa FEATI University.
Pinasok ng dating senador ang Philippine Military Academy (PMA) noong 1957 at ayon sa Senate biography ay nagsilbi din si Biazon bilang Superintendent ng PMA noong 1986-87, Commandant ng Philippine Marines noong 1987-89, Commanding General ng NCR Defense Command (1988-90), Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff (1990-91) at AFP Chief of Staff noong 1991.
Naunang nahalal si Biazon sa senado noong 1992 at muling nahalal noong 1998.
Noong 2010 ay tumakbo din at nagwagi kung saan muling nahalal ito noong taong si Biazon bilang representante ng nag-iisang distrito ng Muntinlupa at muling nahalal sa posisyon ng taong 2013.
Kasabay nito ay magbigay pugay naman at nagluluksa ang senado sa pagkamatay ni Biazon. MARIVIC FERNANDEZ