SENADOR PUMALAG DIN SA ‘NO VACCINE, NO SALARY’

IGINIIT  ni Senador Risa Hontiveros na ilegal ang “no vaccine, no salary” scheme sa ilalim ng batas.

Ito ay matapos iulat ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ilang mga empleyado ang hindi nakakatanggap ng sahod dahil hindi bakunado ang mga ito.

“Malinaw sa ilalim ng Labor Code na walang empleyado ang dapat pwersahang i-hold ang suweldo nang walang pahintulot. Hindi dapat maging requirement o bahagi ng isang polisiya ang ganitong klaseng diskriminasyon laban sa mga manggagawa lalo’t may kakulangan pa rin sa suplay ng bakuna sa bansa,” ani Hontiveros.

Aniya, dapat imbestigahan ito ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“Hindi ito dapat payagan dahil isang araw lang na maantala ang sahod ng manggagawa ay katumbas na ng gutom ng buong pamilya.”

Sinabi ni Hontiveros na hindi dapat ang taumbayan ang magdusa sa kakulangan ng bakuna.

Dagdag niya, dapat makipagtulungan ang mga employer sa pamahalaan upang mabakunahan ang mga empleyado.

“Kailangang proteksyunan ang mga manggagawa sa anumang panggigipit at diskriminasyon gaya nito. Sa kakulangan ng mga bakuna, hindi sila ang dapat magdusa.” LIZA SORIANO

6 thoughts on “SENADOR PUMALAG DIN SA ‘NO VACCINE, NO SALARY’”

  1. 745298 926551hey there i stumbled upon your internet site looking around the web. I wanted to tell you I enjoy the appear of items around here. Maintain it up will bookmark for certain. 161313

Comments are closed.