NANINIWALA si Senador Risa Hontiveros na may mas kwalipikadong tao na maitalaga bilang Department of Health (DOH) Undersecretary.
Ito ay matapos italaga si dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan bilang bagong DOH undersecretary.
“Tulad rin ng marami, gusto sana nating ma-appoint ay may qualification, expertise, at aktibo sa public health sector,” ayon sa senador.
Samantala, sinabi ni Hontiveros na iginagalang niya si Cascolan bilang isang opisyal at isang maginoo.
“Aside from considering him a friend and my mistah, I respect Gen. Cascolan as an officer and a gentleman. His stint at the PNP speaks for itself. But the DOH should and must always be a public health-led agency, especially as we continue to deal with COVID-19 and other burdens of disease,” ayon kay Hontiveros.
Umaasa rin si Hontiveros na makahahanap ang DOH ng angkop na tungkulin para kay Usec. Cascolan upang higit pang magdagdag ng halaga sa pagtugon sa mga banta sa seguridad at kaligtasan ng pampublikong kalusugan sa ating mga komunidad. LIZA SORIANO