SENATE PROBE SA NAIA HUMAN SMUGGLING GUMULONG NA

SINIMULAN na ng Senado nitong Martes ang imbestigasyon sa umano’y human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino ang namumuno sa imbestigasyon.

Nag-ugat ang imbestigasyon sa privilege speech ni Senadora Grace Poe noong Pebrero 15.

Nauna nang sinabi ni Poe na may mga indibidwal na nakasakay sa isang aircraft kahit wala sila sa flight manifest. Gayunpaman, sinabi ng isang opisyal ng imigrasyon na “clear” ang mga ito para bumiyahe.

Ang kasangkot na aircraft ay pinatatakbo ng Cloud Nine No. 1, isang Hong Kong-registered leasing firm.

Ang Globan Aviation Service Corporation o Globan ang itinalagang aircraft ground handler.

Napansin din ng mambabatas na ang mga restricted security area ng NAIA ay madaling ma-access at walang closed-circuit television camera.

LIZA SORIANO