PUMANAW na si dating Senate Sergeant-At-Arms Major General Jose Balajadia Jr. dakong alas-2:15 ng madaling araw ng Linggo.
Hindi naman tinukoy kung anong naging sakit ni Balajadia, pero nabatid na isa sa iniinda nito ay ang prostate.
Nito lamang Hunyo 30 nang magbitiw sa puwesto si Balajadia.
Nagpa-abot naman ng pakikiramay sa pamilya nito ang mga senador.
Dinala na sa St. Peter Chapels ang mga labi nito.