SENATOR KUYA BONG GO HINIRANG BILANG ‘MOST EXEMPLARY PHILANTROPHIC LEADER OF THE NATION’

HINIRANG bilang “Most Exemplary Philanthropic Leader of the Nation” si Senator Bong Go sa kauna-unahang Gawad Agila Awards ng Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Okada Elite Eagles Club.

Sa kanyang video message, taos-pusong nagpasalamat si Go sa award-giving body.

Dito’y binigyang-diin na ang kanyang natanggap na parangal ay nagpapakita ng kanyang bahagi sa pagtugon sa pagresolba sa iba’t ibang isyu sa bansa.

Ang award ni Go ay tinanggap ni Philip Salvador nitong Abril 29 sa Okada Manila.

Kung hindi ako nagkakamali, ang Gawad Agila ay pinangunahan ni Okada Elite Eagles Club President Jenzen “ZenTur” Turica.

Bukod kay Go, kabilang din sa mga pinarangalan sina Sen. Imee Marcos bilang “Most Powerful Influential In Public Service and Good Governance” at Senator Cynthia Villar bilang “Most Influential Women of the Year.”

Aba’y bukod dito, ginawaran din ng “Lifetime Achievement Award in Public Service” si Deputy Speaker at Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo habang “Most Outstanding Men In Public Service and Good Governance” naman si Department of Education Undersecretary Epimaco Densing III.

“Most Powerful and Influential Man of the Year” naman si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy habang “Remarkable Woman of Inspiration and Outstanding Business Women of the Year” ang aktres at businesswoman na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Si Salvador naman ay ginawaran ng “Most Excellent Celebrity Humanitarian Service” habang si Sunshine Dulay ay “Woman of Inspiration and Outstanding Woman in Humanitarian Service.”

Bukod nga rito, maging si ASEAN gold medalist at sports anchor na si Paolo Miguel Angeles ay hinirang bilang “Most Outstanding Sports Mentor of the Year.”

Ang Eagles ay isang malaking socio-civic organization na tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga mamamayang Pilipino.

Ang Gawad Agila, ayon kay Turica, ay idinaos upang kilalanin ang mga Kuya at Ate na natatangi sa kanilang hanay, pamayanan, negosyo, at pagbibigay-inspirasyon sa mga Pinoy.

Magpapatuloy aniya ito upang maging inspirasyon sa mas marami pang kasapi para mas dumami pa ang mabuting tao na magnanais tumulong sa kanilang kapwa.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

MGA KAGAWAD SA BUENAVISTA, QUEZON UMAPELA KAY KAP
Nanawagan sa kanilang chairman ang mga kagawad mula sa isang barangay sa bayan ng Buenavista sa Quezon, na magbitiw, isauli ang pera at mag- public apology.

Ang panawagan ay bunga ng umano’y iregularidad sa itinayong proyekto sa patubig ni Tserman Teo Bana.

Kinuwestiyon ng mga kagawad na sina Rafael Alfuente, Abner Agad, Alfredo dela Roca Jr., Wilson Fontanilla at Sigfredo Alog si Chairman Bana kung saan napunta ang tirang pondo sa patubig noong 2018.

Taong 2018 nang magpasa ng resolusyon sa barangay para sa patubig project. Nasa P271,000 ang sinasabing pondo ng proyekto.

Ayon sa mga kagawad, nang ideliber ang mga gamit na kinabibilangan ng water tank ay sinasabing tinatayang nasa P200,00 ang halaga nito, subalit sa pagberipika ay hindi umano ito umabot sa ganoong halaga.

Nitong Marso nang magkaroon ng barangay assembly ay inamin ni tserman na nasa kanya ang natitirang pondo na P60,000

“Kung nasa kanya ang pera, ibalik niya, taong 2018 pa namin hinahanap, ngayon ay 2023 na malapit na ang barangay election,dapat ay audited lahat bago makuwestyon ang aming administrasyon dahil lang sa kapabayaan ng aming Kapitan,bahala na ang tao ang humusga!” pahayag ng mga kagawad.