PORMAL nang pinalitan ang Agham Road at BIR Road ng Senator Miriam Defensor-Santiago Avenue kahapon ng umaga na itinuturing na isang karangalan at pribilehiyong tinanggap ng mismo ng pamahalaang lungsod ng Quezon.
Nilahukan nina Vice President Sara Duterte, Vice Mayor Gian Sotto, Dra. Linnea Evangelista, kapatid ni Senadora Santiago at Narciso Santiago na asawa ng senadora.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, paggunita ito sa isang kahanga-hangang pinuno na ang dedikasyon sa serbisyo publiko at walang patid na pangako sa mabuting pamamahala na mananatili magpakailanman.
Inialay kay yumaong Senador Miriam Defensor Santiago ang ang dalawang kalsada na itinuturing na lugar ng walang humpay na pakikibaka laban sa katiwalian.
Ang katalinuhan, katapangan, prangka, at mga insightful na opinyon na lumikha sa yumaong senadora bilang mataas na pigura sa tatlong sangay ng pamahalaan.
Pinuri ng alkalde ang mga mambabatas sa pagsasabatas ng panukalang ito upang palitan ang pangalan ng Agham at BIR Roads.
Aniya, magsilbi isang pagpupugay kay Senadora Miriam na magiging inspirasyon at pag-asa para sa mga susunod na henerasyon.
PAULA ANTOLIN