SENATORIAL ASPIRANT INATAKE SA PUSO

SENATORIAL ASPIRANT

MAYNILA – NAUNSYAMI ang planong paghahain sana ng kandidatura ng isang senatorial aspirant matapos na atakihin sa puso habang patungo sa tanggapan ng ikatlong palapag ng Commission of Elections (Comelec) kahapon.

Batay sa ulat ng poll body,  pasado alas-9:00 ng umaga nang dumating sa tanggapan ng Comelec si Romeo Rodriguez, 61, at residente ng San Fernando, Pampanga, bitbit ang kanyang Certificate of Candidacy (COC).

Gayunman, sa elevator pa lamang ay kapuna-punang humihingal na ang aspiring senatoriable, bago biglang mawalan ng malay kaya’t kinailangan itong isugod sa Medical Center Manila upang malapatan ng lunas.

Naiwan naman ang COC ng biktima at Identification (ID) card sa Comelec.

Nabatid na walang dalang telepono, walang nakalagay na puwedeng matawagan at wala ring kasama si Rodriguez nang magtungo sa Comelec.

Nananawagan naman ang Comelec sa mga kaanak ni Rodriguez na puntahan ito sa naturang pagamutan. ANA ROSARIO HERNANDEZ/ PAUL ROLDAN

One thought on “SENATORIAL ASPIRANT INATAKE SA PUSO”

  1. 38858 989783Nice to be visiting your weblog once much more, it continues to be months for me. Nicely this post that ive been waited for so lengthy. I want this article to total my assignment within the university, and it has identical topic together with your post. Thanks, terrific share. 700833

Comments are closed.