SENATORS BUBUSISIIN ANG MAHARLIKA FUND

NANGAKO  ang mga senador na higit na tatalakayin at lubusang susuriin ang panukalang lumikha ng sovereign wealth fund sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund.

Ito ay matapos makapasa sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas sa House of Representatives.

Sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na ang sertipikasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ng House Bill No. 6608 ay nagbigay ng impresyon na dapat na madaliin ang mga bagay tungkol sa panukala. Umaasa siyang hindi ito mangyayari sa Senado.

“The Maharlika Fund will have extensive effects and ramifications not only to our generation but potentially to future generations of Filipinos. Hence this should not be rushed. Haste makes waste,” aniya.

Para kay Senate President Miguel Zubiri, “pag-aaralan ng mataas na kapulungan sa pamamagitan ng mga pagdinig at debate sa plenaryo, ang lahat ng mga hakbang na may pinong suklay” na nagbibigay-diin na “ginagalang namin ang sistema ng komite.”

Aniya, hinihintay nila ang pinal na bersyon ng House Bill No. 6608 mula sa mababang kamara.

“We respect the committee system in the Senate, and we will study through the hearings and plenary debates all measures with a fine tooth comb to make sure every bill or proposal would be good for our people and our country,” sinabi ni Zubiri.

“The speed of the passage of the measure is dependent on the ability of the Chairman and the quality of work that is put in during the hearings and debates,” dagdag pa niya. LIZA SORIANO