SENATORS GUSTONG TAASAN BUDGET NG OVP

Iginiit ni Senador Migz Zubiri na gustong taasan ng ilang senador ang budget ng Office of the Vice President.

Ito ay matapos bawasan ng House of Representatives ang P2 bilyong proposed budget ng OVP sa P1.2-B.

“We have several colleagues that already said that they want to increase the budget allocation,” ani Zubiri.

Binanggit ng mambabatas na ang mga gustong magtaas ng budget ng OVP ay sina Sen Joel Villanueva, at Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada.

Gayunman, sinabi ng senador na ‘premature’ pa rin ito kaya hindi pa niya masabi kung maibibigay ng Senado ang hinihinging pondo ng OVP.

LIZA SORIANO