HINAMON ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga senador na magsampa ng kaukulang kaso laban sa gobyerno ukol sa umano’y over-priced na medical supplies.
Ayon kay Medialdea, mas maiging ipaubaya ng mga mambabatas sa mga eskperto ang pag-iimbestiga sa usapin upang magampanan din nila ang kanilang trabaho.
Giit ng kalihim, hindi magagampanan ng mga resource person ang kanilang trabaho sa COVID-19 response kung aabalahin pa ang mga ito ng mga senador habang tumataas ang bilang ng mga dinadapuan ng virus.
Bukod sa pambu-bully na inaabot ng mga iniimbitahang government officials, sinabi ni Medialdea na pawang mga ispekulasyon lamang ang nakikita sa mala-circus na mga pagdinig sa Senado. DWIZ882