TULAD ng naging tradisyon sa Senado tuwing pagsapit ng unang araw ng Hulyo sa pagpasok ng bagong Kongreso ay naghahain ang mga senador ng kanya-kanyang mga prayoridad na panukalang batas.
Kaya’t ngayong 18th Congress, nakatakdang ihain ngayong linggo ang 10 panukalang batas ni Senate President Vicente Tito Sotto III at sampung Senate bills ulit sa susunod na linggo.
Base sa nakalap na impormasyon mula sa tanggapan ni Sotto, ang ihahain nitong panukalang batas ay ang: Medical Scholarship Act, Anti drug Penal Institution, Presidential Drug Enforcement Authority, Dangerous Drugs Court, Sim card registration Act, Anti Fake news Act, Increasing Penalty for Perjury, Prevention of Terrorism Act, Hybrid Election Act at 14th month pay law.
Sa panig naman ni Senador Sonny Angara, nakatakda rin na maghain ito ngayong linggo ng 10 panukalang batas para sa 18th Congress
Ang prayoridad na panukalang batas na nais na ihain ni Angara ay ang Upgrading Salary Grade Level of Teachers from 11 to 19, Underprivileged Students’ Discount Act, Increasing the Monthly Social Pension of Senior Citizens, Dialysis Center Act, Reso on Dialysis Fraud, Tatak Pinoy Reso, Magna Carta for Seafarers, Magna Carta for Barangays, Comprehensive Anti-Discrimination Act, at Zero Hunger / Right to Adequate Framework
Para naman kay Senadora Risa Hontiveros, kanya naman muling ihahain ang panukalang SOGIE Equality Bill na magbibigay ng karapatan at pag-aalis sa diskriminasyon sa ibat ibang sexual gender. VICKY CERVALES
Comments are closed.