SENIOR CITIZEN NA BRGY. CHAIRWOMAN PINAGBABARIL SA STA.ROSA CITY

LAGUNA-Patay sa pamamaril ang senior citizen na barangay chairwoman sa harap mismo ng barangay hall sa Sta.Rosa , nitong Lunes ng tanghali.

Nabatid ng Sta. Rosa City Police Station ang biktimang si Lorena Presbitero De Jesus, 60anyos at kapitan ng barangay Kanluran.

Sa inisyal na imbestigasyon na nakarating kay Laguna Police Public Information Officer, PLt. Col. Chitadel Gaoiran, nakaupo sa tabi ng barangay Health Center si kapitana nang may dalawang suspek ang naglalakad patungo sa kanyang kinaroroonan saka binaril ito ng isa sa kanila ng dalawang beses.

Agad na dinala sa Sta.Rosa Community Hospital ang biktima habang mabilis na tumakas papalayo ang mga suspek patungo sa bayan ng Sta.Rosa.

Pinag-aaralan na ng pulisya ang motibo sa papamaril sa biktima habang pinaghahanap na rin ang suspek. CY QUILLO