SENIOR CITIZEN TINARAKAN NG LOVER

saksak

BULACAN – SINAMPAHAN na ng kasong murder ang isang 32-anyos na lalaki na target ngayon ng manhunt operation ng tracker team ng Marilao police makaraang pagsasaksakin ang kanyang kinakasamang senior citizen bu­nga ng matinding selos sa loob ng kanilang tinitirhan sa Regina Residencia, Barangay Loma de Gato, Marilao.

Base sa report ni P/Lt.Col. Amado Mendoza Jr, Marilao police chief, nakilala ang biktimang si Marissa Cuman, 60, na sinaksak sa dibdib umano ng suspek na si Lorenzo Soriano, 32, kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Nabatid na noong Sabado nang huling makitang buhay ang biktima matapos itong sunduin ng ka-live in na suspek sa bahay ng kanyang anak sa Meycauayan City para umuwi na sa kanilang tirahan sa nasabing barangay.

Nakatanggap din ng text message ang kanyang anak na emergency at pinapupunta rin ang apo sa bahay ng lola at dito na nila nakitang patay ang biktima sa loob ng bahay nito.

Hindi na rin mahagilap ang suspek at pinaniniwalaan siyang nag-chat at nag-text sa anak at apo ng biktima. MARIVIC RAGUDOS

2 thoughts on “SENIOR CITIZEN TINARAKAN NG LOVER”

  1. 829109 853478There will be several entirely different portions about the LA Weight reduction eating program and 1 is actually critical. Begin stage is your in fact truly of these extra load. weight loss 902473

  2. 744515 2409Sorry for the huge review, but Im truly loving the new Zune, and hope this, as effectively as the exceptional reviews some other men and women have written, will help you decide if its the correct choice for you. 545469

Comments are closed.