MAHAL din at prayoridad ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senior citizen sa bansa
Ito ang sinabi ni dating Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go.
Ayon kay Sec. Go, sa oras na siya ay palaring manalo ay maraming batas ang ipapanukala niya sa Senado para sa kapakapan ng mga matatanda base na rin sa utos sa kanya ng Pangulo.
Ilan sa naiisip ni Go ay ang dagdagan pa ang discount sa senior citizens mula 20 percent hanggang 30 percent, libreng check-up at libreng gamot lalo na ng mga bitamina.
Sinabi ni Go, dapat ay prayoridad ang mga matatanda at unahin sa lahat ng establisimiyento, pribado man o sa gobyerno na bigyan ng serbisyo.
Pag-aaralan din ni Go, kung maaari pang dagdagan ang halaga ng SSS pension ng mga senior citizen sa bansa.
Comments are closed.