SENIOR NALUNOD SA ILOG

QUEZON- BANGKAY na ng matagpuan sa may ilog ang isang 69-anyos na babae na iniulat na nawala habang naliligo sa Barangay Santa Lucia, Dolores sa lalawigang ito nitong Linggo NG umaga.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Dolores Castillo, may- asawa at residente ng Makati City.

Ayon sa kaanak ng biktima, umuwi si Castillo sa Quezon para sa tatlong araw na bakasyon.

Sa pahayag ni Capt. Arjon Oxina, chief of police ng Dolores , Quezon, dakong alas-11 ng umaga ng Sabado nang magpaalam sa mga kaanak ang biktima na maliligo sa ilog.

Pumayag umano ang mga pinsan ni Castillo na maligo ito sa ilog dahil mababaw naman ang tubig at walang sama ng panahon.

Sinabi naman ng mga opisyal ng Municipal Disaster Risk Reduction Management office ng Dolores, bandang alas-2 ng hapon nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na tumagal ng halos dalawang oras.

Pinaniniwalaan ng mga nasabing opisyal na ang malakas ng buhos ng tubig mula sa bundok na rumagasa sa ilog na naging dahilan para anurin ang biktima.

Naipaalam na sa pamilya ng biktima ang nangyari. ARMAN CAMBE