CAMP AGUINALDO-DALAWANG araw isinailalim sa hard lockdown ang buong main building ng Department of National Police (DND) matapos na magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang senior military staff ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Sa ulat, alas-12 ng tanghali kahapon nang simulang isara ang nasabing gusali upang bigyan-daan ang disinfection activity sa nasabing tanggapan.
Una nang isinalang sa mandatory rapid testing ang may 294 na empleyado nito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC), bukod sa pagpapatupad ng proper health protocols sa kanilang mga tanggapan.
Muling magbabalik ang normal office operations ng DND, bukas, Hulyo 17.
Noong martes, mismong si Lorenzana ang umamin na kasama niya sa blessing at commissioning ng FF150 BRP Jose Rizal Frigate sa Subic at biyahe sa Jolo, Sulu ang isang senior military staff na may ranggong colonel na nakumpirmang positibo sa COVID-19 habang nasa eroplano sila.
Dahilan para mag-self quarantine at sumailalim sa swab testing sina Lorenzana at maging si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff and Chairman of the Joint Chiefs General Felimon T. Santos na kapwa magkasama sa Subic Bay Freeport blessing ng FF150 at biyahe ng Pangulo sa Jolo kamakailan.
Ayon kay Lorenzana, Lunes lang nakumpirma ng kaniyang staff na positibo ito sa COVID-19 mula nang magpa-swab test noong Hulyo 10.
Sinabi ng kalihim na kasama pa niya ito sa ilang mahahalagang event tulad ng Commissioning ng BRP Jose Rizal sa Subic, Zambales at kasama pa niya ito patungong Jolo at pabalik ng Maynila kahapon.
Subalit wala ang nasabing staff sa event mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinumpirma ni AFP Spokesman and AFP Education, Training, and Doctrine Command, chief Major General Edgard Arevalo, “CSAFP will be on a strict, doctor-supervised quarantine. This holds true for all the other officers and enlisted personnel on board the aircraft to and from Jolo, Sulu.” VERLIN RUIZ
Comments are closed.