(Seniors binalaan ng DTI) TEXT SCAM SA COVID-19 AID

BINALAAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang DINUMOG ng libong libong supporter ang caravan nina Presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte Carpio sa Aguinaldo Higway sa Brgy. Talaba, Bacoor City, Cavite araw ng Huwebes. Kuha ni MHAR BASCO mga senior citizen laban sa text scam sa COVID-19 assistance.Ayon DTI, magkukunwari ang mga scammer na paaalalahanan ang mga se­nior citizen sa kanilang hindi nakuhang CO­VID-19 aid at kukunin ang kanilang personal information.

Pinayuhan ng ahensiya ang mga se­nior na huwag pansinin ang mensahe at ang sender, at i-block ang numero.

Hinikayat ng DTI ang mga nakatatanggap ng text scam na i-report ito sa National Telecommunications Commission ­( NTC).

Nauna na ring napaulat ang text scam na nag-aalok ng mga trabaho, dahilan para atasan ng NTC ang lahat ng telecommunications companies na magpadala ng text messages na nagbibigay babala sa mga subscriber laban sa naturang scheme.