IPINAHAYAG ni Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FeSCAP) President Jorge Banal, Sr. ang kahilingan ng mga pensiyonado sa Social Security System (SSS) na bigyan sila ng pension loan para sa kanilang pangan-gailangang pinansiyal.
“Nananawagan kami sa SSS na sana ay magbigay sila ng pension loan para tustusan ang mga biglaang pangangailangan ng mga pensiyonado. Alam ko mahal kami ng SSS at umaasa kami na magbibigay sila ng pension loan,” sabi ni Banal sa kanyang mensahe sa SSS Pensioners’ Day na idinaos ng ahensiya sa Quezon City.
Ayon kay Banal, kapag nagkaroon ng SSS pension loan ay matitigil ang tumataas na bilang ng mga pensiyonado na nagiging biktima ng loan sharks na nagpapautang na sobrang taas ng interes.
“May mga pensiyonado tayong isinasangla sa loan sharks ang kanilang ATM card kung saan pumapasok ang kanilang bu-wanang pensiyon dahil may matinding pangangailangan sa pera,” ani Banal.
Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na naiintindihan ng SSS ang lumalaking pangan-gailangan ng mga pensiyonado at pinag-iisipan na ng Social Security Commission ang pagbibigay ng pension loan para matugunan ang pangangailangan ng mga ito.
“Naiintindihan namin ang pangangailangan ng mga pensiyonado sa pang-araw-araw nilang gastusin. Bilang isang senior citi-zen, may sarili rin akong pangangailangan tulad ng gamot, bitamina at iba pang gastusin sa araw-araw,” sabi ni Dooc.
Idinagdag pa ni Dooc na naiintindihan din ng SSS na kailangang maprotektahan ang mga pensiyonado laban sa loan sharks na nagpapanggap na mabuting samaritano na tutulong sa kanilang pangangailangang pinansiyal ngunit sa totoo lamang ay naaabuso ang mga pensiyonado dahil sa sobrang taas ng interes ng kanilang pautang.
“Nais naming pasalamatan si G. Banal at ang FeSCAP bilang aming katuwang sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga pensiyo-nado. Sinisiguro namin sa kanila na mahal sila ng SSS at lagi naming isasaalang-alang ang kanilang kapakanan,” wika ni Dooc.
Idinaos ng SSS ang Pensioners’ Day sa pakikipagtulungan ng FeSCAP. Dumalo rito ang mahigit 300 pensiyonado ng SSS sa Metro Manila.