NILAGDAAN na ngayong Lunes ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang mahahalagang batas na naglalayong protektahan ang mga karapatan at isulong ang pag-unlad ng malikhaing isip ng mga Pilipino, gayundin ang mga Octogenarian at Nonagenarians.
“Ngayon, karangalan kong pirmahan ang dalawang panukalang batas, na hindi lamang nagpaparangal sa dalawang pangunahing sektor ng lipunan, ngunit nag-uutos ng mga hakbang na nagpoprotekta sa kanilang mga karapatan at nagtataguyod ng kanilang pag-unlad,” sabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa paglagda sa dalawang panukalang batas sa Ceremonial Hall, Palasyo ng Malacañan.
Nilagdaan ng Pangulo bilang batas ang Republic Act 11981, o ang Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act, at RA 11982, na nagbibigay ng mga benepisyo sa mga Octogenarian at Nonagenarians.
Ang Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act ay nagtataguyod ng inklusibong paglago at pag-unlad ng ekonomiya sa bansa sa pamamagitan ng paghikayat, pagsuporta, at pagtataguyod ng produksyon at pag-aalok ng mga lokal na produkto at serbisyo, pagiging sopistikado, at kalidad ng mga domestic na negosyo na globally competitive.
“Ang bawat isa sa mga batas na ito ay nakapaloob sa mga merito na itinataguyod ng Bagong Pilipinas sa pagbuo ng isang malakas na bansa. Halimbawa, ang Tatak Pinoy Act ay tungkol sa pamumuhunan sa kakayahan at talento ng Filipino. Ang kaloob na talentong ito ay dapat na suportahan hindi lamang sa pamamagitan ng pangaral kundi sa pamamagitan ng tunay na suporta,” sabi ni Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ang “Tatak Pinoy” ay higit pa sa isang branding exercise dahil ito ay tungkol sa pagbibigay ng mga insentibo sa mga lokal na produkto na karapat-dapat na magdala ng “Made in the Philippines” trademark, na nagpapakita ng pagkamalikhain at kakayahan ng manggagawang Pilipino.
“Ito ay tungkol sa paglikha ng mga produkto at serbisyo na may pinakamataas na kalidad, dahil ang Tatak Pinoy ay tungkol din sa kahusayan, at bilang selyo ng mahusay na pagkakagawa, dapat lamang itong ilapat sa mga nakakatugon sa mataas na pamantayang ito. Dahil dito, bibigyan natin ng preference at priority ang ating mga produkto,” ani Marcos.
Sa kabilang banda, ang Grant of Benefits to Filipino Octogenarians ay nagpapalawak ng saklaw ng RA 10868, o ang Centenarians Act of 2016, upang isama ang lahat ng mga Pilipino, naninirahan man sa Pilipinas o sa ibang bansa upang tumanggap ng cash gift na nagkakahalaga ng PhP10,000 sa pag-abot sa edad na 80 at sa bawat limang taon pagkatapos noon, o hanggang sa edad na 95.
Ipinaliwanag din ng Pangulo na ang pagpapalawak ng saklaw ng Centenarians Act ay isang pagpupugay sa katangiang Pilipino ng pagmamalasakit at sa kultura ng Pilipinas, ito ay nagpapakita ng higit na kabaitan at malasakit sa matatanda.
“We do, after all, stand on the shoulders of these giants,” anang Pangulo.
“But they deserve more than cash in an envelope. What they should get is a support infrastructure that every society owes to its greying population. There were already close to 10 million seniors two years ago … But as this demographic enlarges, the societal facilities that attend to them should be expanded as well,” dagdag pa niya.
Binati ni Pangulong Marcos ang Senado at ang Kamara de Representantes para sa mga batas na ipinatupad, na sinasabing ang kanilang pagtutulungan at pagsisikap ay muling pinatunayang “ang prinsipyo na ang bicameralism ay idinisenyo upang pagsama-samahin ang ningning ng dalawang katawan sa pamamagitan ng kompromiso.”