SENIORS PUWEDE NANG MAG-MALL

Spokesman Harry Roque

DAHIL  bumababa na ang kaso ng COVID-19 at nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila kaya papayagan na ang mga senior citizen na makalabas ng bahay at makapamasyal sa mga mall.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang na fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang mga senior citizen.

Dagdag pa ni Roque, hindi pa binabawi ang incentive na binigay ng gobyerno sa seniors na kapag sila ay vaccinated ay pupuwede silang pumunta sa mga mall at pupuwede silang lumabas ng bahay.

Sa ngayon, bawal pa rin na magtungo sa mga mall ang mga menor de edad dahil nagsisimula pa lang ang pagbabakuna sa mga nasa 12 hanggang 17-anyos na mayroong comorbidities.

“Ang hindi natin ina-allow pa ngayon ay iyong mga menor de edad na magpunta sa mga malls kasi hindi sila bakunado po, unlike the senior citizens na posibleng bakunado na sila. Dalhin lang po iyong inyong VaxCertPh or iyong proof of vaccination at ipakita sa mga malls,” ayon kay Roque.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 133,131 na menor de edad.

Anim na ospital sa Metro Manila ang ginawang vaccination center para sa mga menor de edad kabilang ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center, at Philippine General Hospital.

Nasa 24 milyong Filipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

3 thoughts on “SENIORS PUWEDE NANG MAG-MALL”

  1. 607602 123180This web-site is in fact a walk-through rather than the info you desired concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and you will totally discover it. 91192

Comments are closed.