Sa isang Memorandum of Agreement, nagkasundo ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila at ang personnel provider ng McDonald’s sa isang hiring program para sa senior citizens at persons with disability (PWDs).
“Libre ang medical requirements. Sagot ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang gastos para sa Fit To Work medical certifications, physical exam, medical exam, and laboratory tests. Kami na ang bahala. Gagawin ito ng Manila PESO. May procedure na sila para dito,” ani Manila Mayor Honey Lacuna:
Ang mga maha-hire na seniors at ibang matatandang indibidwal ay magtatrabaho nang hindi hihigit sa apat na oras sa isang araw, sa shift sa umaga o shift sa hapon. Ipagkakatiwala sa kanila ang mga sumusunod na tungkulin: order presenters, drink drawers, table managers, o guest relations staff. Magkakaroon din sila ng 13th month pay at service incentive leave at isasama sila sa group insurance ng kumpanya.
“Binabati ko ang McDonald’s sa kanilang mahusay na corporate social responsibility sa pagbibigay ng trabaho para sa mga nakatatanda at PWD sa kanilang mga branches sa Lungsod ng Maynila,” sabi ni Lacuna. Tatlong tauhang seniors or PWD ang iha-hire kada outlet ng McDonald’s sa loob ng
Lungsod ng Maynila at lahat ng kwalipikado sa programa ay sasailalim sa pagsasanay.
“Upang matulungan ang mga nakatatanda at PWD, hiniling ko sa Manila Police na i-waive ang kanilang usual fees para sa pag-iisyu ng police clearance at magbukas ng courtesy lanes para sa mga nakatatanda at PWD na nag-a-apply para sa police clearance kaugnay sa pag-aaplay ng trabaho alinsunod sa memorandum of agreement,” sabi rin ng alkalde.VERLIN RUIZ